Monday, July 4, 2016

A second chance

Highschool ng naging tayo, mga bata pa kung iisipin noon, sayo umikot ang mundo ko, at ganon ka rin saken. Hindi tayo madalas magkita, once a week lang dahil magkalayo tayo, pero hindi naging problema sa atin yun dahil lagi naman tayo magkatxt and call. Ang daming ngyari sa buhay ko, naghiwalay ang parents ko, ikaw lang ang nandon para saken, ikaw ang naging mundo ko, sayo lang ako nakaramdam ng pagmamahal non. Akala ko hindi na tayo magkakahiwalay.
 Pero college tayo ng dumating yung sunod sunod na problema hanggang sa hindi na natin kinaya, naghiwalay tayo.
years passed nagkaroon ako ng bf at nagkaroon ka rin ng gf, dumadaan ka sa isip ko paminsan minsan pero hindi ko na naisip na magkakabalikan pa tayo dahil alam kong matagal na kayo ng gf mo, isang araw nag message ka saken, nagkausap tayo ulit, chill lang, nasabi mong wala ka ng girlfriend, wala rin naman akong bf non.
 palagi na tayong magkausap, hanggang sa tinanong mo ako kung pwede bang maging tayo ulit, pumayag naman ako.
kinabukasan hindi ka nagparamdam buong araw, tumawag ka saken ng gabi at sinabi saken na sabihin ko sa gf mo na magkaibigan lang tayo, nagkabalikan na pala kayo, sabi mo pa ikakasal na kayo.
Noong  araw na yun pinangako ko na hindi na ako aasang magkakabalikan pa tayo.
lumipas and 2 taon nagparamdam ka ulit, naghiwalay nanaman pala kayo pero this time sabi mo it's for good na, syempre hindi ako naniwala, but you insisted, sa isip ko naman, maliit lang ang province natin, malalaman ko rin kung nagsasabi ka ng totoo.
 nagusap ulit tayo, nagkasundo. Ng umuwi ako para sa bakasyon nagkita tayo ulet, nagkausap, you asked me for a second chance and I gave it to you. First month, Okay tayo, masaya, nakilala ko yung mga importanteng tao sa buhay mo na di ko nakilala ng highschool tayo.
aside from the occasional text messages from your ex, wala naman tayo naging problema. Madalas pumapasok sa isip ko na rebound lang ako, pero dinidismiss ko rin yung thought kase alam kong hindi healthy. Lagi mo akong kinocompare sa kanya, you always tell me that I am better than her as if you're convincing yourself din na you made the right choice.
 two, three months naging madalang ang paguusap natin, pero everyday pa rin naman, iniintindi ko nalang kase alam kong busy ka talaga. One day hindi ka na nagmessage, I was worried since never naman ngyare na hindi ka magmemessage ng buong araw, kinabukasan pag open ko ng fb ko hindi ka na naka in a relationship saken, name na sa ex mo yung nakatag sa relationship status mo, wow nagulat ako kasi hindi ko inexpect na magkakabalikan pa kayo, tayo pa diba? I texted you, I told you that you should've just told me na nagkabalikan na kayo, maiintindihan ko naman e. Kinabukasan nagsend ka saken ng screencap ng conversation nyo, binawi ka na nya saken, hindi ka na nagparamdam pagtapos non.
 I asked for an explanation, I asked for a proper closure, pero kahit yun hindi mo binigay.
Akala ko tayo si popoy at basha na may second chance, tayo pala si popoy at trisha, minahal mo man ako, hindi kasing lalim ng pagmamahal mo sa kanya, na ng hiniling nya na sana sya nalang ulit, kayo nalang ulit, hindi ka nagdalawang isip na piliin sya.
Katulad ni trish hindi ako nagkulang, minahal kita ng buo, at katulad ni popoy, iniwan mo pa rin ako.